Friday, September 10, 2010

on my brother's shoulder

Panahon ng digmaan sa bansang Vietnam dahil pinaghaharian ni Hitler ang buog sandaigdigan. Sa pagkakataong ito Unang pinagbawal sa bansa ang pag-aasawa ng mga sundalo at panganganak ng mga babaeng asawa ng sundalo.

Isang ina ang lihim na nagdalang tao at nanganak ng isang lalake. matapos ang ilang sandali ipinaanod ito sa ilog ng Mekong Delta sa pamamagitan ng isang basket at pinabaunan ng isang kandila ang sanggol.

Masakit man para sa isang ina, unti-unti nyang tinanggap ang habang buhay na pagkakahiwalay sa anak. Alang-alang sa kaligtasan ng mahal na anak, ibinilin nalamang sa agos ng ilog ang buong kapalaran ng bata.

Sa halip na isda, isang sanggol ang iniuwi ng isang mangingisda sa kanilang bahay, matapos ang ilang araw, dinala sa kombento ang bata at pinangalanan syang Moises. Itinulad ang kaniyang pangalan sa isang Propeta na napulot sa Ilog ng isang prinsesa.

Namuhay si Moses sa bahay ampunan kasama ang mga batang kagaya nya, mga ulila ng Vietnam na walang kinilalang kapatid kundi ang kapwa ulila.

Kung may malungkot na karanasan para kay Moses ito ay ang makakita ng isang pamilyang masaya at sama-sama. masakit mang isipin, kahit kailan ay hindi nya naranasang mahalin ng tunay ng isang tunay na magulang.

Dahil sa kaguluhan sa Vietnam, natamaan ng bomba ang ampunang itinuring nyang tahanan, namatay ang ilang mga kaibigan maging ang mga namamahala dito.

Yun ang simula ng mas mahirap na buhay para kay Moses, kasama ang kaniyang kaibigang si Andre' nagpagala gala sila sa lansangan habang patuloy ang putukan.

Naranasang kumain ng damo, at uminom ng tubig mula sa maruming ilog na ginagawang tapunan ng mga patay na sundalo.

Sa pagkakataong yun nakatagpo si Moses sa katauhan ni andre' ng isang tunay na pamilya.isang kaibigang maaasahan sa kabila ng kahirapan.

Ngunit naging mas mahirap ang lahat ng pareho silang kapitan ng sakit na pollo, na syang dahilan din kung bakit kinailangan nilang maghiwalay.

Dinala si Andre' sa ospital ng Vietnam, habang si Moses ay isinama sa tatlong eroplanong naglulunan ng mga kabataang ipaaampon sa bansang Austalla.

nagkahiwalay ang magkaibigan at wala nang narinig na balita sa isat-isa.

Inakala ni Moses na makakamtan nya ang buhay na pinapangarap... ngunit hindi pala. Kinupkop sya ng isang pamilyang Australlano na pera lang ang habol sa gobyerno, sa halip na pag-aralin gaya ng pinirmahang kontrata ay pinagtrabaho sya nito sa isang pabrika. Maging ang kakainin ay kinakailangan nyang paghirapan. kailangan nyang bayaran ang kaniyang pagtira sa pamilyang nag-ampon sa kanya, at dito itinuring syang katulong hindi bilang isa anak.

Naging mabilis ang panahon, nakapag-asawa si Moses at nagkaroon ng isang anak sa babaeng Australlano.

Kasabay nito ay ang tuluyang pagkakaparalisa ng kaniyang ibabang katawan dahil sa pollo, naging apektado na rin nito ang kaniyang mga braso, tuluyang nawalan ng trabaho at naging pasanin ng kaniyang asawa.

Matapos ang ilang taong pagdurusa dahil sa sakit na Pollo, naisipang isulat ni Moses ang kaniyang buhay... nailimbag ito sa bansang Australla at naging Pinaka-mabiling aklat sa Australla at Vietnam noong 2009 hanggang 2010.

Sinamantala ni moses ang oras, muli syang nagbalik sa bansang sinilangan upang hanapin ang kaibigang nagligtas ng kaniyang buhay sa maraming pagkakataon.

At sa isang Orphanage ay natagpuan nya si Andre' na nagbibilang na lamang ng araw upang pumanaw. Matapos ang kanilang pagkikita, inialay ni Moses ang kaniyang aklat sa taong naging ispirasyon nya upang mabuo ang aklat, ngunit matapos ang ilang araw, pumanaw ang kaniyang kaibigan nang hindi man lamang nalalaman na sya ang nilalaman ng librong isinulat ni moses.

"on my bother's shoulder"

Tuesday, August 17, 2010

story behind untv's Medical Mission at makati city jail

this time we're having a Medical Mission at Makati City Jail.

as always kumpleto pa rin, general medicine, medical check up, pediatrician para sa mga dumadalaw na anak, optical service, Dental service, physical theraphy, free eye glass, free xray, free laboratory service, free medicines.

ang dami talagang preso sa loob ng jail, kahit anong gawin mo ang dami talaga. this time pinabayaan ko ang cameraman namin na kumuha ng mga shots na dapat nyang kuhaan, samantalang ako, nilibot ko ang buong jail kasama ang isang escort na pulis, baka kasi pagpasok ko ng kulungan bigla akong saksakin sa loob.

napagod din ako, umupo ako sa botika kung saan libreng namimigay ng gamot ang pharma na nanduon si ate leslie, napansin ko yung lalake sa bintanang rehas, kanina pa sya nandun simula ng dumating kami ng umaga ng 8am hanggang ngayong 3pm.

ako: Magandang hapon po...
detainee: magandang hapon din iho.
ako: nakapag-pagamt na po ba kayo tay? kanina pa kayo dyan a.
detainee: ayos na ubo lang naman problema ko.
ako: e bakit kanina pa kayo dyan?
detainee: wala lang, mas masarap kasing mamintana kaysa matulog.
ako: ganun po ba? baka may problema kayo? (may nakapagsabi talaga sa akin na mayproblema sya)
detainee: bakit matutulungan mo ba ko iho?
ako: kung kaya po? ano po ba yun?
detainee: tutal naman malaya ka, baka pwede kang maghatid ng sulat para sa asawa ko.
ako: sige po taga-saan po ba yan? kung gusto nyo ipa-LBC na lang natin.
detainee: naku wag, sana ikaw na lang kung ayos lang.

 Iniabot ni tatay sa akin ang sulat galing sa bulsa...

malapit lang pala... dalawang sakay ng jeep lang pala..  kasama ang Correpondent ng Makati, pinuntahan namin ang bahay ng asawa ni tatay pido.

dalawang jeep at isang tricycle, may lubak lubak na daan din pala sa makati... ang haba at ang init ng biyahe, pero sa madaling salita nakarating kami sa bahay.

ako: magandang hapon po, galing po kami ng makati City jail because of the medical mission. tanong ko lang po kung ito po yung bahay ni Tatay Pido demillietes?

Nandun si Jerry anak ni Tatay Pido at Minerva, ang dami nilang anak anim yata.

jerry: opo mga anak nya po kami? bakit po? may nangyari po ba?
ako: wala naman po may ipinaaabot lang po syang sulat sa nanay nyo? sa asawa nya?

Minnie: teka lang po sir, upo muna kayo, pasensya na maiinit sa bahay... nnnnaaaayyy!! may bisita kayo galing sa prisinto ni tatay!

dumating si nanay

nanay: magandang hapon iho... naku pasensya na maiinit sa bahay.
ako: (makikipagkamay) ako po si joren, kayo po ba yung asawa ni Tatay pido.may sulat po kasi syang gustong ibigay. (abot ng sulat)
nanay: ay naku opo. (tinignan ang likod ng sulat) Hertrudis po ang pangalan ko hindi Mila. makakaalis na po kayo!
ako: bakit po? (sabay talikod ng nanay at pumunta ng kusina, lumapit sa akin si Minnie)
Minnie: hindi mo naman sinabi na Mila pala ang pangalan ng nasa sulat.
ako: bakit po?
Minnie: nanay ko yan. tara samahan kita sa kanya.

although napahiya ako sa unang bahay na pinuntahan ko dahil hindi pala si Aling hertrudis ang Asawa medyo nabuhayan ako ng loob kasi makakapunta pala ako sa tunay na may-ari ng sulat. pero...

naglakad kami ng naglakad, hanggang sa nagulat na lang ako kung nasaan na kami.

Minnie: ito ang Libingan ni Nanay... pasensya na kung naabala pa kayo ni Tatay, dahil sa totoo lang matagal ng patay si Nanay ko. sya dapat angpapakasalan ni tatay pero nakulong sya at hindi na sila nagkita ni nanay ever since...
ako: ganun po ba? eh paano po kayo napunta sa bahay na yun ni nanay hertrudis? at bakit po namatay si nanay nyo?
Minnie: nagtanan noon si nanay at tatay, ang pagkakaalam ko dahil ipinagbubuntis nya na ko, umuwi na lang sila nung nailabas na ko, panahon pa nga ni marcos nun e. then doon nakulong si tatay, kinasuhan sya ng kidnapping dahil sa pagtatanan nya sa nanay ko.
ako: bakit naman po tutol yung mga magulang ni nanay Mila na maging mag-asawa sila ni tatay Pido?
Minnie: may asawa na kasi talaga si tatay noon, bali kabit lang si nanay ko, pero eversince si nanay na ang mahal ni tatay dahil una na silang nagkakilala nagkahiwalay lang noong panahon ng gera, akala yata ni tatay patay na si nanay kaya yun, nag-asawa para makalimot, yun pala pumuntang amerika lang.... yun ang kwento sa akin ni nanay, nung nagkita sila may asawa na si tatay, ang nakakainis nga lang, bakit pa kailangan ni tatay na ligawan ang nanay e may asawa na syang iba, pero naisip ko hindi naman ako lilitaw kung hindi sila naglandian...

sa totoo lang natawa ako nung sinabi to ni Minnie.. kakaloka.

ako: nakakaiyak naman, tapos ganito pa, hindi alam ng tatay mo na patay na ang nanay mo... bakit hindi nyo sa aknya sinabi?
minnie: sinabi na namin sa kanya ilang beses na, ayaw nya lang maniwala.
ako: aaaa... pwede bang basahin na lang natin yung sulat? kung ok lang.

dahan-dahang pinunit ni minnie ang sobre at tumambad ang yellow paper at dahan dahang binasa ito.

dated: october 06, 1970

Mila asawa ko,

bawat letra ng sulat na ito ay nagpapahiwatig ng pagdurusa ng aking kaluluwa, sa mga titik nito ay gumuguhit sa maraming luha ng aking puso. tinitiis ko tinik na syang bunga ng ating pagmamahalan, masaya akong nasa maayos kang kinalalagyan at ang ating anak. sa panahong nais kong balikan ang pagsasamang walang kasing tamis iginuguhit ko ang iyong pangalan sa aking mga palad, wala akong magawa kundi humiling sa bituin na ibalik ka sa akin, ngunit walang sagot akong naririnig kundi kawalang pag-asa na muli kang makita.

bilanggo ako ng mga taong hindi marunong umunawa ng damdamin ng iba, pinaglayo tayo ng sakim na mga damdamin, ng mga makasarili mong magulang at ng iyong gma kapatid. wala akong magawa, ipagpaumanhin mo sana.

sa madaling panahon mila, inaasahan ko ang iyong pagparine upang mayakap ka kahit sandali, dalhin mo ang ating supling upang mahagkan ko rin sya kahit kaunti man lamang. 

kung ito ang kabayaran sa lahat tatanggapin  ko ng buong galak, mahal na mahal kita mila, mahal na mahal.

ang iyong asawa,
pidong

unti unting tumulo ang luha ni Minnie habang binabasa ang sulat ng ama para sa kanyang ina, sa apgkakataong yun naisip ko yung mga magulang ko kung paano kaya sila nagsusulatan. hindi pa kasi uso ang text that time kaya puro sulat lang.

malapit ng lumubog ang araw, nagpaalam na ko kay Minnie para bumalik ng bilangguan baka kasi maiwanan ako ng bus pabalik ng himpilan... (ang lalim ko na ring magsalita, nahawa ako sa letter ni tatay pidong)

bago umalis nagtanong ako kay Minnie.

ako: ano nga palang sasabihin ko kay tatay kapag nagtanong sya kung anong nangyari.
Minnie: pula pa ang mata, sabihin mo, mahal na mahal din sya ng nanay.
ako: ok

pagbalik ng makati city jail

Pulis: sir, san po kayo pupunta?
ako: sa selda 4, kakausapin ko lang si tatay pidong ?
pulis: ay naku! yun ba yung si tatay pido?
ako: opo?
pulis: naku sira ulo po yun, pero sige puntahan nyo na sir.

sinalubong ako ni tatay pido, pero hindi na ko pumasok ng mga rehas, dun lang ako s labas.

pidong: (excited) naibigay mo ba kay mila?
ako: opo tay.
pidong: anong sabi nya?
ako: mahal na mahal nya rin daw po kayo.

halos maluha luha si tatay pidong ng marinig ang sagot sa tanong nya, may konting ibinubulong nga lang ang sarili kong kunsensya at nagtatanong sa sarili kung tama nga bang nagsisinungaling ako sa kanya.

kakausapin ko pa sana sya ng biglang may nag-announce na uwian na para sa mga Medical Mission Team

nagpaalam ako kay tatay pidong pero sumigaw sya na lang sya para may sabihin.

pidong: salamat iho, kapag nagkita kayo ulit pakisabi na lang na naghihintay lang ako dito sa pagbisita nya, salamat ng marami!

naaawa ako kay tatay pidong... sa sobrang pagmamahal sa asawa nya, handa syang maghintay sa wala.

Friday, August 13, 2010

sa Ilog... masdan mo ang mga bata

 Wala akong kamalay-malay na nakatapak na pala ako sa isa sa pinaka-mahabang bundok ng Daigdig, gamit ang motor ni Kuya Anton nagtataka akong nagtanong kung bakit sa haba ng biyahe ay parang hindi natatapos yung bundok na nakikita ko...

marami kaming nakita... may illegal loggers na sa ilog pinadadaan ang mga kahoy...

Pero hindi pasyal ang ipinunta namin dito, may bata kaming kailangang makausap.

sya si Imee, kamamatay pa lang ng nanay nilang magkakapatid at sya ngayon ang tumatayong tagapag-alaga ng bahay nilang dampa.

walang trabaho ang tatay ni Imee, Lima silang magkakapatid pero ipinaampon ang bunso nila dahil hindi na nila kayang alagaan pa, hanggang ngayon hindi na nila nakita yung bunsong kapatid na sinabing inampon ng bumbay.

paano sila nakakain? nanghuhuli ng talangka sa pinakamahabang ilog ng Pilipinas...

at kapag walang nahuli si Imee ito ang nangyayari...

Asin at mainit na tubig ang ulam ni bunso...

nag-aaral si Imee.. pero...

ito ang itsura nya kapag pumapasok sa eskwelahan... walang uniporme.. walang gamit sa paaralan, walang sapatos... wala ring kahit anong baon..

pagkatapos ng oras para mag-aral, sa ilog agad ang diretso ni Imee... dapat kasi pag-uwi nya ay may maibigay na syang ulam para sa apat nyang kapatid...

hindi nag-agahan, hindi kumain sa eskwelahan, pagdating ng uwian trabaho kaagad ang nasa isipan...

Sa pagkakataon na yun malapit ng bumuhos ang ulan, kailangan na nyang umuwi ng bahay pero dalawang super liit na isda lang ang nahuli ni Imee...

ang problema... paano kakasya sa apat nyang kapatid ang maliliit na isda? malamang asin na naman ang ulam.

 kasama ang mga KAAGAPAY... panibagong araw at pag-asa ang aming ihahatid sa kanila...

dahil mula ngayon, hindi ka na mag-uulam ng asin...

hindi mo na rin uubusina ng buong araw mo sa panghuhuli ng isda...

ngiti lang Imee... dahil mula sa araw na ito... hindi ka na mag-lalakad ng walang uniporme... may gamit ka na din sa paaralan...

bakit ka umiiyak? wala namang nang-aaway sayo ha?! hehehe
(ms. annie kasi kinuha yung isdang pang-ulam nila.. joke lang)

pero habang naka-kwentuhan ko ng matagal si Imee, hindi lang malungkot na Storya ang naikwento nya...

hindi lang pala pangarap ng isang bata ang nabubuo sa tuwing manghuhuli sya ng isda...

mag pag-ibig din ...

pangarap ni popoy makapunta sa maynila para yumaman, sabi sa kanya nito, babalik sya paglaki nila at susunduin sya para sa maynila na sila tumira. (akala nyo naman ang ganda sa maynila... hirap kaya ng buhay dun, buti nga dito ang isda hinuhuli lang, dun binibili pa.)

hindi ko lang alam kung matutupad ni popoy sa batang si Imee yung mga pangako na yun, pero ang balita ko matalinong bata si popoy... sana nga isang araw yumaman sya.

makabili ng jeep gaya ng  pangarap nya...

ito ang ilog... may kwento ng kamusmusan...

isang pangako ang iniwan dito ng mga batang minsan ay nagbigayan ng mga salitang tutuparin isang araw... panibagong kwento... storya ng pag-ibig at pangako..

 (wala akong kinalaman sa sweet moments na yan ha... sila ang kusang pumunta dyan!)

uwian na po..

Saturday, July 10, 2010

KNC ng Talanay Documentary Video

http://www.metacafe.com/w/4887311

all those memories are inside the box… lahat ng mga bagay na pwedeng magpaalala sa akin tungkol sa kanila ay iningatan ko, kung gaano sila kahalaga sa aking ganun ko rin pinahahalagahan ang mga bagay na iniwan nila.. habambuhay kong iingatan.

minsan ko pang binubuksan ang kahong naglalaman ng maraming kahapon, mga bagay na nagdudulot ng maraming saya at nagbabalik ng marami naming mga ala-ala, di ko sila makakalimutan, di ko akalaing magiging ganito ako kaseryoso sa mga oras na nagbabalik sa isip ko ang mga bagay na ‘to. nasaan na kaya sila at anong ginagawa nila?

isa-isa, dahan dahan, masikap kong binalikan ang aming mga pinagsamahan, matagal na rin buhat ng huli ko silang makita, makasama at mayakap. marami silang iniwan sa akin bilang isang taong naghahanap ng maraming kasagutan sa maraming katanungan… mga batang nagbigay saya sa araw araw kong pamumuhay bilang nagmamanggagawa.

noong una di ko sila magawang makasundo, marami silang ugali na di maganda at hindi ko gusto, nagagawa ko silang sigawan, paluin paiyaskin sa madalas na pagkakataon… habang tumatagal nakita ko na lang ang sarili ko na masaya na gawin ang mga bagay na ganun, ang payuhan sila sa maraming mga bagay, ang makipaglaro sa kanila sa kanilang mga paglilibang, ang pagalitan sila sa kanilang mga maling ginagawa…. naging bata rin ako, alam ko ang kanilang mga pinagdadaanan, bakit ko sila pagagalitan?

sa panahong makararamdam sila ng DAMDAMIN AT PAGSINTANG WALANG KABULUHAN kailangan ko bang magalit? hindi naman di ba? sa panahon na lumalaki na sila may kailangan nila ng kaibigan, Di ako nagsasawang payuhan sila na “DI NAMAN MASAMANG MARAMDAMAN YAN, NORMAL YAN.. TAO KA EH, PERO MAY DAPAT TAYONG UNAHIN KAYSA PAG-IBIG SA KASAMA NATIN, ALAM MO NA YUN!” pinakamalaking problema ko na siguro yan, ang mga nagdadalaga na pagbawalan silang pagkwentuhan ang mga lalakeng natitipuhan nila mga batang nagkakaroon ng FIRST LOVE SA KASAMA NILANG KNC… pero sa madalas lagi ko silang nahuhuli, sisigwan sila na HOY!!! ANU BANG KWENTUHAN YAN! MAGLINIS NA NGA LANG KAYO G KNC ROOM!

sa mga lalake, walang akong problema kundi ang kanilang katamarang kabisaduhin ang mga talata ng biblia, sa bagay naiintindihan ko rin sila, MAHIRAP KASING MAGKABISA NG KAHIT ANONG BAGAY… pero dala ng pagsusumikap at pagpipilit nagagawa naming kabisaduhin ang mga yun.. kahit papaano…

HAHAHAHAHA! marami na kaming sinalihang COMPETITION pero kahit kailan di kami nanalo ng individual category… first time kaming natalo sa isang individual competition di ko nakaya ang nangyari… parang kinukurot ang puso ko na makita silang malungkot dahil sa natalo… parang gusto nilang sabihing sayang lang ang lahat ng pinagpaguran natin kuya!  “ang sakit!” kaya next competition sinabi ko sa sarili kong … “KAILANGAN MAY MAIUWI KAMING TROPHY AND MEDALS, DI PWEDENG WALA!!!!!” KAYA NEXT COMPETITION… talo kami, pero may naiuwi kaming tatlong trophy at dalawang medals, nagtataka sila kung bakit hindi sila tinawag sa stage pero may medal sila, ang sabi ko… “WALA NA DAW KASING ORAS KAYA INIABOT NA LANG SA AKING PARA IBIGAY SA INYO CONGRATS HA MGA BATA !!” kaya mula noon lagi silang exited sa mga competition kasi lagi silang panalo…. oo panalo sila PARA SA AKIN SILA ANG PANALO, mga batang mahihina sa maraming mga bagay, pero alam kong lagi silang nagsisipag maabot lamang ang isang bagay, kahit di na nila kaya. HANGGANG NGAYON DI NILA ALAM NA ANG MGA TROPHY AT ANG MGA MEDALS AY BINILI KO LANG, AT HINDI NILA TALAGANG NAPANALUNAN! (wag sana nilang mabasa to’) di ko alam kung mali akong gawin yun… pero wala akong magawa kung hindi gumawa ng isang malaking HHHHHHHAAAAAAYYYYYYY!!!!!!

meron namang time na may umiyak si jonabelle, tinanong ko kung bakit? NAGSESELOS DAW KAY NANENG KASI SI NANENG LAGING KASAMA SI ALAB, buti na lang maganda ang pakiramdam ko, nagpantig ang pareho kong tenga! nagtatanong sa sarili ko na bakit ba ganito???? payo payo payo.. biblia, biblia, biblia…. natapos din ang lahat at alam kong naintindihan nya ko…

di natatapos ang isang linggo na hindi kami gagawa ng “bonding moments” lagi akong gumagawa ng paraan para magkaroon ng oras na kami ang magkakasama sa paglalaro, umaakyat kami ng bundok, naglalaro sa ilog… at ang hindi nila makakalimutan…. yung ginawa naming boodle fight at piknic sa tabi ng ilog… habang sarap na sarap sa pagkain, bilang may UMUTOT NG BONGGANG BONGGA!! itinuro ko si alab yung umutot.. pero ayaw nilang maniwala ako talaga ang itinuro nilang lahat!!!

as times goes by lalo ko silang nakilala, lalo ko silang minahal hanggang sa tuluyan nilang nakuha ang pinakamalaking bahagi ng isip ko… marami sa kanila ang malnourish, buti na lang may CLINIK SI KUYA DANIEL, lagi kong hinihingi sila ng vitamin c, para tumaba kahit papaano, pero walang epekto, payat  o.a. rin sila kahit pa laging tinutungga ng magkakapatid na sina miguel ang vitamins ganun pa rin.

masaya akong makita silang naglalaro, mga bata sila yun ang kaligayahan nila at dapat nilang magawa habang nasa ganun silang ma edad, madalas kaming pagalitan ng mga matatanda sa lokal, ang ingay daw namin, ang kulit daw ng mga bata kahit kasama ako… hehehe ganun talaga bata sila yun na nga lang ang libangan kulitan at tawanan pagbabawalan mo pa, unless wala s lugar.

lagi ko sa kanilang sinasabi yung talata sa mateo.. Mat 24:13  Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. alam kong ang pagdaan nila sa knc ay pasimula pa lang ng marami nilang mararanasang pagsubok, kailangang maihanda sila sa maraming tiising mararamdaman nila sa paglaki… sana nga lang, pangarap ko para sa kanila maging magkakasama pa rin sila bilang magkakapatid hanggang pagtanda nila sa Iglesia…

alam kong aalis din ako sa poder nila isang araw, lilipat din ako ng mga batang aalagaan katulad ng ginawa ko sa kanila, habang kasama ko pa sila, sinasamantala ko ang oras… napamahal na sila sa akin ng higit pa sa isang kapatid o kamag-anak, sa kanila ko nakita ang isang bagay na matagal ko ng hindi naramdaman buhat ng mahiwalay ako sa tunay kong mga magulang at kapatid…

lahat ng mga bagay matatapos, nagkaroon din ako ng ibang destino para mag-alaga ng ibang bata… umalis ako ng hindi nagpapaalam at walang sinasabing anoman… ayoko kasing makita reaksyon nila habang papaalis ako, sigurado di ko magugustuhan, basta ang natatandaan ko masaya kami kahapon, sama-sama kaming nagpasalamat sa Dios sa lahat lahat… kahapon masaya kami kahapon yun lang ang gusto kong matandaan… kinabukasan pagdating nila ng lokal wala na ko… sabi ng bago nilang tagapag-alaga umiyak daw sila, pero ganun talaga, bahala na… makakalimutan din nila ko, pero ako di ko yata sila makkalimutan. hanggang ngayon nasa akin pa rin ang mga sulat nila.. sulat ng pagpapasalamat, syempre una sa Dios sulat ng paghingi paumanhin dahil makulit daw sila… sulat ng wala lang… sulat ng ka-dramahan… maging ang mga larawan nagpapaalala sa akin tungkol sa kanila… lagi kong panalangin sa Maykapal na ingatan sila, na makita pa rin namin sila na gumagawa at makasama namin, kahit saan…

Wednesday, July 7, 2010

my shots...

Kawan ng Cordero ng talanay

Saturday, July 3, 2010