this time we're having a Medical Mission at Makati City Jail.
as always kumpleto pa rin, general medicine, medical check up, pediatrician para sa mga dumadalaw na anak, optical service, Dental service, physical theraphy, free eye glass, free xray, free laboratory service, free medicines.
ang dami talagang preso sa loob ng jail, kahit anong gawin mo ang dami talaga. this time pinabayaan ko ang cameraman namin na kumuha ng mga shots na dapat nyang kuhaan, samantalang ako, nilibot ko ang buong jail kasama ang isang escort na pulis, baka kasi pagpasok ko ng kulungan bigla akong saksakin sa loob.
napagod din ako, umupo ako sa botika kung saan libreng namimigay ng gamot ang pharma na nanduon si ate leslie, napansin ko yung lalake sa bintanang rehas, kanina pa sya nandun simula ng dumating kami ng umaga ng 8am hanggang ngayong 3pm.
ako: Magandang hapon po...
detainee: magandang hapon din iho.
ako: nakapag-pagamt na po ba kayo tay? kanina pa kayo dyan a.
detainee: ayos na ubo lang naman problema ko.
ako: e bakit kanina pa kayo dyan?
detainee: wala lang, mas masarap kasing mamintana kaysa matulog.
ako: ganun po ba? baka may problema kayo? (may nakapagsabi talaga sa akin na mayproblema sya)
detainee: bakit matutulungan mo ba ko iho?
ako: kung kaya po? ano po ba yun?
detainee: tutal naman malaya ka, baka pwede kang maghatid ng sulat para sa asawa ko.
ako: sige po taga-saan po ba yan? kung gusto nyo ipa-LBC na lang natin.
detainee: naku wag, sana ikaw na lang kung ayos lang.
Iniabot ni tatay sa akin ang sulat galing sa bulsa...
malapit lang pala... dalawang sakay ng jeep lang pala.. kasama ang Correpondent ng Makati, pinuntahan namin ang bahay ng asawa ni tatay pido.
dalawang jeep at isang tricycle, may lubak lubak na daan din pala sa makati... ang haba at ang init ng biyahe, pero sa madaling salita nakarating kami sa bahay.
ako: magandang hapon po, galing po kami ng makati City jail because of
the medical mission. tanong ko lang po kung ito po yung bahay ni Tatay
Pido demillietes?
Nandun si Jerry anak ni Tatay Pido at Minerva, ang dami nilang anak anim yata.
jerry: opo mga anak nya po kami? bakit po? may nangyari po ba?
ako: wala naman po may ipinaaabot lang po syang sulat sa nanay nyo? sa asawa nya?
Minnie: teka lang po sir, upo muna kayo, pasensya na maiinit sa bahay... nnnnaaaayyy!! may bisita kayo galing sa prisinto ni tatay!
dumating si nanay
nanay: magandang hapon iho... naku pasensya na maiinit sa bahay.
ako: (makikipagkamay) ako po si joren, kayo po ba yung asawa ni Tatay pido.may sulat po kasi syang gustong ibigay. (abot ng sulat)
nanay: ay naku opo. (tinignan ang likod ng sulat) Hertrudis po ang pangalan ko hindi Mila. makakaalis na po kayo!
ako: bakit po? (sabay talikod ng nanay at pumunta ng kusina, lumapit sa akin si Minnie)
Minnie: hindi mo naman sinabi na Mila pala ang pangalan ng nasa sulat.
ako: bakit po?
Minnie: nanay ko yan. tara samahan kita sa kanya.
although napahiya ako sa unang bahay na pinuntahan ko dahil hindi pala si Aling hertrudis ang Asawa medyo nabuhayan ako ng loob kasi makakapunta pala ako sa tunay na may-ari ng sulat. pero...
naglakad kami ng naglakad, hanggang sa nagulat na lang ako kung nasaan na kami.
Minnie: ito ang Libingan ni Nanay... pasensya na kung naabala pa kayo ni Tatay, dahil sa totoo lang matagal ng patay si Nanay ko. sya dapat angpapakasalan ni tatay pero nakulong sya at hindi na sila nagkita ni nanay ever since...
ako: ganun po ba? eh paano po kayo napunta sa bahay na yun ni nanay hertrudis? at bakit po namatay si nanay nyo?
Minnie: nagtanan noon si nanay at tatay, ang pagkakaalam ko dahil ipinagbubuntis nya na ko, umuwi na lang sila nung nailabas na ko, panahon pa nga ni marcos nun e. then doon nakulong si tatay, kinasuhan sya ng kidnapping dahil sa pagtatanan nya sa nanay ko.
ako: bakit naman po tutol yung mga magulang ni nanay Mila na maging mag-asawa sila ni tatay Pido?
Minnie: may asawa na kasi talaga si tatay noon, bali kabit lang si nanay ko, pero eversince si nanay na ang mahal ni tatay dahil una na silang nagkakilala nagkahiwalay lang noong panahon ng gera, akala yata ni tatay patay na si nanay kaya yun, nag-asawa para makalimot, yun pala pumuntang amerika lang.... yun ang kwento sa akin ni nanay, nung nagkita sila may asawa na si tatay, ang nakakainis nga lang, bakit pa kailangan ni tatay na ligawan ang nanay e may asawa na syang iba, pero naisip ko hindi naman ako lilitaw kung hindi sila naglandian...
sa totoo lang natawa ako nung sinabi to ni Minnie.. kakaloka.
ako: nakakaiyak naman, tapos ganito pa, hindi alam ng tatay mo na patay na ang nanay mo... bakit hindi nyo sa aknya sinabi?
minnie: sinabi na namin sa kanya ilang beses na, ayaw nya lang maniwala.
ako: aaaa... pwede bang basahin na lang natin yung sulat? kung ok lang.
dahan-dahang pinunit ni minnie ang sobre at tumambad ang yellow paper at dahan dahang binasa ito.
dated: october 06, 1970
Mila asawa ko,
bawat letra ng sulat na ito ay nagpapahiwatig ng pagdurusa ng aking kaluluwa, sa mga titik nito ay gumuguhit sa maraming luha ng aking puso. tinitiis ko tinik na syang bunga ng ating pagmamahalan, masaya akong nasa maayos kang kinalalagyan at ang ating anak. sa panahong nais kong balikan ang pagsasamang walang kasing tamis iginuguhit ko ang iyong pangalan sa aking mga palad, wala akong magawa kundi humiling sa bituin na ibalik ka sa akin, ngunit walang sagot akong naririnig kundi kawalang pag-asa na muli kang makita.
bilanggo ako ng mga taong hindi marunong umunawa ng damdamin ng iba, pinaglayo tayo ng sakim na mga damdamin, ng mga makasarili mong magulang at ng iyong gma kapatid. wala akong magawa, ipagpaumanhin mo sana.
sa madaling panahon mila, inaasahan ko ang iyong pagparine upang mayakap ka kahit sandali, dalhin mo ang ating supling upang mahagkan ko rin sya kahit kaunti man lamang.
kung ito ang kabayaran sa lahat tatanggapin ko ng buong galak, mahal na mahal kita mila, mahal na mahal.
ang iyong asawa,
pidong
unti unting tumulo ang luha ni Minnie habang binabasa ang sulat ng ama para sa kanyang ina, sa apgkakataong yun naisip ko yung mga magulang ko kung paano kaya sila nagsusulatan. hindi pa kasi uso ang text that time kaya puro sulat lang.
malapit ng lumubog ang araw, nagpaalam na ko kay Minnie para bumalik ng bilangguan baka kasi maiwanan ako ng bus pabalik ng himpilan... (ang lalim ko na ring magsalita, nahawa ako sa letter ni tatay pidong)
bago umalis nagtanong ako kay Minnie.
ako: ano nga palang sasabihin ko kay tatay kapag nagtanong sya kung anong nangyari.
Minnie: pula pa ang mata, sabihin mo, mahal na mahal din sya ng nanay.
ako: ok
pagbalik ng makati city jail
Pulis: sir, san po kayo pupunta?
ako: sa selda 4, kakausapin ko lang si tatay pidong ?
pulis: ay naku! yun ba yung si tatay pido?
ako: opo?
pulis: naku sira ulo po yun, pero sige puntahan nyo na sir.
sinalubong ako ni tatay pido, pero hindi na ko pumasok ng mga rehas, dun lang ako s labas.
pidong: (excited) naibigay mo ba kay mila?
ako: opo tay.
pidong: anong sabi nya?
ako: mahal na mahal nya rin daw po kayo.
halos maluha luha si tatay pidong ng marinig ang sagot sa tanong nya, may konting ibinubulong nga lang ang sarili kong kunsensya at nagtatanong sa sarili kung tama nga bang nagsisinungaling ako sa kanya.
kakausapin ko pa sana sya ng biglang may nag-announce na uwian na para sa mga Medical Mission Team
nagpaalam ako kay tatay pidong pero sumigaw sya na lang sya para may sabihin.
pidong: salamat iho, kapag nagkita kayo ulit pakisabi na lang na naghihintay lang ako dito sa pagbisita nya, salamat ng marami!
naaawa ako kay tatay pidong... sa sobrang pagmamahal sa asawa nya, handa syang maghintay sa wala.
No comments:
Post a Comment