maraming kwento sa likod ng mga taong nanghihingi ng tulong... may mga istoryang kakaiba na pwedeng marinig tungkol sa kanila. maraming manunulat ang palaging nag-iisip ng mga kwentong buhay na papatok sa mga mambabasa o palabas na babahain ng mga manunuod... ang hindi nila siguro alam, ang istoryang pilit nilang binubuo sa kaisipan ay matagal nang nangyayari sa kasalukuyan, at yun ang katotohanan. iba't ibang buhay at usapan... mga istoryang tatatak sa ating mga isipan.
Friday, September 10, 2010
on my brother's shoulder
Panahon ng digmaan sa bansang Vietnam dahil pinaghaharian ni Hitler ang buog sandaigdigan. Sa pagkakataong ito Unang pinagbawal sa bansa ang pag-aasawa ng mga sundalo at panganganak ng mga babaeng asawa ng sundalo.
Isang ina ang lihim na nagdalang tao at nanganak ng isang lalake. matapos ang ilang sandali ipinaanod ito sa ilog ng Mekong Delta sa pamamagitan ng isang basket at pinabaunan ng isang kandila ang sanggol.
Masakit man para sa isang ina, unti-unti nyang tinanggap ang habang buhay na pagkakahiwalay sa anak. Alang-alang sa kaligtasan ng mahal na anak, ibinilin nalamang sa agos ng ilog ang buong kapalaran ng bata.
Sa halip na isda, isang sanggol ang iniuwi ng isang mangingisda sa kanilang bahay, matapos ang ilang araw, dinala sa kombento ang bata at pinangalanan syang Moises. Itinulad ang kaniyang pangalan sa isang Propeta na napulot sa Ilog ng isang prinsesa.
Namuhay si Moses sa bahay ampunan kasama ang mga batang kagaya nya, mga ulila ng Vietnam na walang kinilalang kapatid kundi ang kapwa ulila.
Kung may malungkot na karanasan para kay Moses ito ay ang makakita ng isang pamilyang masaya at sama-sama. masakit mang isipin, kahit kailan ay hindi nya naranasang mahalin ng tunay ng isang tunay na magulang.
Dahil sa kaguluhan sa Vietnam, natamaan ng bomba ang ampunang itinuring nyang tahanan, namatay ang ilang mga kaibigan maging ang mga namamahala dito.
Yun ang simula ng mas mahirap na buhay para kay Moses, kasama ang kaniyang kaibigang si Andre' nagpagala gala sila sa lansangan habang patuloy ang putukan.
Naranasang kumain ng damo, at uminom ng tubig mula sa maruming ilog na ginagawang tapunan ng mga patay na sundalo.
Sa pagkakataong yun nakatagpo si Moses sa katauhan ni andre' ng isang tunay na pamilya.isang kaibigang maaasahan sa kabila ng kahirapan.
Ngunit naging mas mahirap ang lahat ng pareho silang kapitan ng sakit na pollo, na syang dahilan din kung bakit kinailangan nilang maghiwalay.
Dinala si Andre' sa ospital ng Vietnam, habang si Moses ay isinama sa tatlong eroplanong naglulunan ng mga kabataang ipaaampon sa bansang Austalla.
nagkahiwalay ang magkaibigan at wala nang narinig na balita sa isat-isa.
Inakala ni Moses na makakamtan nya ang buhay na pinapangarap... ngunit hindi pala. Kinupkop sya ng isang pamilyang Australlano na pera lang ang habol sa gobyerno, sa halip na pag-aralin gaya ng pinirmahang kontrata ay pinagtrabaho sya nito sa isang pabrika. Maging ang kakainin ay kinakailangan nyang paghirapan. kailangan nyang bayaran ang kaniyang pagtira sa pamilyang nag-ampon sa kanya, at dito itinuring syang katulong hindi bilang isa anak.
Naging mabilis ang panahon, nakapag-asawa si Moses at nagkaroon ng isang anak sa babaeng Australlano.
Kasabay nito ay ang tuluyang pagkakaparalisa ng kaniyang ibabang katawan dahil sa pollo, naging apektado na rin nito ang kaniyang mga braso, tuluyang nawalan ng trabaho at naging pasanin ng kaniyang asawa.
Matapos ang ilang taong pagdurusa dahil sa sakit na Pollo, naisipang isulat ni Moses ang kaniyang buhay... nailimbag ito sa bansang Australla at naging Pinaka-mabiling aklat sa Australla at Vietnam noong 2009 hanggang 2010.
Sinamantala ni moses ang oras, muli syang nagbalik sa bansang sinilangan upang hanapin ang kaibigang nagligtas ng kaniyang buhay sa maraming pagkakataon.
At sa isang Orphanage ay natagpuan nya si Andre' na nagbibilang na lamang ng araw upang pumanaw. Matapos ang kanilang pagkikita, inialay ni Moses ang kaniyang aklat sa taong naging ispirasyon nya upang mabuo ang aklat, ngunit matapos ang ilang araw, pumanaw ang kaniyang kaibigan nang hindi man lamang nalalaman na sya ang nilalaman ng librong isinulat ni moses.
"on my bother's shoulder"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Isa akong makapagsabi na ang aklat na 'On My Brothers' Shoulders' written by TY ANDRE ay magandang aklat kasi nabasa ko ito. Sana may isang produser or direktor na makapansin nito at mabigyang buhay sa pelikula. Ito'y magbibigay ng inspirasyon sa mga taong may kapansanan. At itoy istorya ng katapangan, katibayan at pag-asa sa sarili. Thank you for RJ CRUZ in UNTV and the UNTV staff and crew for their effort to post this online. Sana yong hindi pa nakabasa sa libro na ito sana ay pansinin ninyo at basahin. All the best!
ReplyDeletemahusay kang sumulat ,maganda din ang kwento!!! Sakit.info
ReplyDelete