all those memories are inside the box…
lahat ng mga bagay na pwedeng magpaalala sa akin tungkol sa kanila ay iningatan
ko, kung gaano sila kahalaga sa aking ganun ko rin pinahahalagahan ang mga
bagay na iniwan nila.. habambuhay kong iingatan.
minsan ko pang binubuksan ang kahong naglalaman ng maraming kahapon, mga bagay na nagdudulot ng maraming saya at nagbabalik ng marami naming mga ala-ala, di ko sila makakalimutan, di ko akalaing magiging ganito ako kaseryoso sa mga oras na nagbabalik sa isip ko ang mga bagay na ‘to. nasaan na kaya sila at anong ginagawa nila?
isa-isa, dahan dahan, masikap kong binalikan ang aming mga pinagsamahan, matagal na rin buhat ng huli ko silang makita, makasama at mayakap. marami silang iniwan sa akin bilang isang taong naghahanap ng maraming kasagutan sa maraming katanungan… mga batang nagbigay saya sa araw araw kong pamumuhay bilang nagmamanggagawa.
noong una di ko sila magawang makasundo, marami silang ugali na di maganda at hindi ko gusto, nagagawa ko silang sigawan, paluin paiyaskin sa madalas na pagkakataon… habang tumatagal nakita ko na lang ang sarili ko na masaya na gawin ang mga bagay na ganun, ang payuhan sila sa maraming mga bagay, ang makipaglaro sa kanila sa kanilang mga paglilibang, ang pagalitan sila sa kanilang mga maling ginagawa…. naging bata rin ako, alam ko ang kanilang mga pinagdadaanan, bakit ko sila pagagalitan?
sa panahong makararamdam sila ng DAMDAMIN AT PAGSINTANG WALANG KABULUHAN kailangan ko bang magalit? hindi naman di ba? sa panahon na lumalaki na sila may kailangan nila ng kaibigan, Di ako nagsasawang payuhan sila na “DI NAMAN MASAMANG MARAMDAMAN YAN, NORMAL YAN.. TAO KA EH, PERO MAY DAPAT TAYONG UNAHIN KAYSA PAG-IBIG SA KASAMA NATIN, ALAM MO NA YUN!” pinakamalaking problema ko na siguro yan, ang mga nagdadalaga na pagbawalan silang pagkwentuhan ang mga lalakeng natitipuhan nila mga batang nagkakaroon ng FIRST LOVE SA KASAMA NILANG KNC… pero sa madalas lagi ko silang nahuhuli, sisigwan sila na HOY!!! ANU BANG KWENTUHAN YAN! MAGLINIS NA NGA LANG KAYO G KNC ROOM!
sa mga lalake, walang akong problema kundi ang kanilang katamarang kabisaduhin ang mga talata ng biblia, sa bagay naiintindihan ko rin sila, MAHIRAP KASING MAGKABISA NG KAHIT ANONG BAGAY… pero dala ng pagsusumikap at pagpipilit nagagawa naming kabisaduhin ang mga yun.. kahit papaano…
HAHAHAHAHA! marami na kaming sinalihang COMPETITION pero kahit kailan di kami nanalo ng individual category… first time kaming natalo sa isang individual competition di ko nakaya ang nangyari… parang kinukurot ang puso ko na makita silang malungkot dahil sa natalo… parang gusto nilang sabihing sayang lang ang lahat ng pinagpaguran natin kuya! “ang sakit!” kaya next competition sinabi ko sa sarili kong … “KAILANGAN MAY MAIUWI KAMING TROPHY AND MEDALS, DI PWEDENG WALA!!!!!” KAYA NEXT COMPETITION… talo kami, pero may naiuwi kaming tatlong trophy at dalawang medals, nagtataka sila kung bakit hindi sila tinawag sa stage pero may medal sila, ang sabi ko… “WALA NA DAW KASING ORAS KAYA INIABOT NA LANG SA AKING PARA IBIGAY SA INYO CONGRATS HA MGA BATA !!” kaya mula noon lagi silang exited sa mga competition kasi lagi silang panalo…. oo panalo sila PARA SA AKIN SILA ANG PANALO, mga batang mahihina sa maraming mga bagay, pero alam kong lagi silang nagsisipag maabot lamang ang isang bagay, kahit di na nila kaya. HANGGANG NGAYON DI NILA ALAM NA ANG MGA TROPHY AT ANG MGA MEDALS AY BINILI KO LANG, AT HINDI NILA TALAGANG NAPANALUNAN! (wag sana nilang mabasa to’) di ko alam kung mali akong gawin yun… pero wala akong magawa kung hindi gumawa ng isang malaking HHHHHHHAAAAAAYYYYYYY!!!!!!
meron namang time na may umiyak si jonabelle, tinanong ko kung bakit? NAGSESELOS DAW KAY NANENG KASI SI NANENG LAGING KASAMA SI ALAB, buti na lang maganda ang pakiramdam ko, nagpantig ang pareho kong tenga! nagtatanong sa sarili ko na bakit ba ganito???? payo payo payo.. biblia, biblia, biblia…. natapos din ang lahat at alam kong naintindihan nya ko…
di natatapos ang isang linggo na hindi kami gagawa ng “bonding moments” lagi akong gumagawa ng paraan para magkaroon ng oras na kami ang magkakasama sa paglalaro, umaakyat kami ng bundok, naglalaro sa ilog… at ang hindi nila makakalimutan…. yung ginawa naming boodle fight at piknic sa tabi ng ilog… habang sarap na sarap sa pagkain, bilang may UMUTOT NG BONGGANG BONGGA!! itinuro ko si alab yung umutot.. pero ayaw nilang maniwala ako talaga ang itinuro nilang lahat!!!
as times goes by lalo ko silang nakilala, lalo ko silang minahal hanggang sa tuluyan nilang nakuha ang pinakamalaking bahagi ng isip ko… marami sa kanila ang malnourish, buti na lang may CLINIK SI KUYA DANIEL, lagi kong hinihingi sila ng vitamin c, para tumaba kahit papaano, pero walang epekto, payat o.a. rin sila kahit pa laging tinutungga ng magkakapatid na sina miguel ang vitamins ganun pa rin.
masaya akong makita silang naglalaro, mga bata sila yun ang kaligayahan nila at dapat nilang magawa habang nasa ganun silang ma edad, madalas kaming pagalitan ng mga matatanda sa lokal, ang ingay daw namin, ang kulit daw ng mga bata kahit kasama ako… hehehe ganun talaga bata sila yun na nga lang ang libangan kulitan at tawanan pagbabawalan mo pa, unless wala s lugar.
lagi ko sa kanilang sinasabi yung talata sa mateo.. Mat 24:13 Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. alam kong ang pagdaan nila sa knc ay pasimula pa lang ng marami nilang mararanasang pagsubok, kailangang maihanda sila sa maraming tiising mararamdaman nila sa paglaki… sana nga lang, pangarap ko para sa kanila maging magkakasama pa rin sila bilang magkakapatid hanggang pagtanda nila sa Iglesia…
alam kong aalis din ako sa poder nila isang araw, lilipat din ako ng mga batang aalagaan katulad ng ginawa ko sa kanila, habang kasama ko pa sila, sinasamantala ko ang oras… napamahal na sila sa akin ng higit pa sa isang kapatid o kamag-anak, sa kanila ko nakita ang isang bagay na matagal ko ng hindi naramdaman buhat ng mahiwalay ako sa tunay kong mga magulang at kapatid…
lahat ng mga bagay matatapos, nagkaroon din ako ng ibang destino para mag-alaga ng ibang bata… umalis ako ng hindi nagpapaalam at walang sinasabing anoman… ayoko kasing makita reaksyon nila habang papaalis ako, sigurado di ko magugustuhan, basta ang natatandaan ko masaya kami kahapon, sama-sama kaming nagpasalamat sa Dios sa lahat lahat… kahapon masaya kami kahapon yun lang ang gusto kong matandaan… kinabukasan pagdating nila ng lokal wala na ko… sabi ng bago nilang tagapag-alaga umiyak daw sila, pero ganun talaga, bahala na… makakalimutan din nila ko, pero ako di ko yata sila makkalimutan. hanggang ngayon nasa akin pa rin ang mga sulat nila.. sulat ng pagpapasalamat, syempre una sa Dios sulat ng paghingi paumanhin dahil makulit daw sila… sulat ng wala lang… sulat ng ka-dramahan… maging ang mga larawan nagpapaalala sa akin tungkol sa kanila… lagi kong panalangin sa Maykapal na ingatan sila, na makita pa rin namin sila na gumagawa at makasama namin, kahit saan…

No comments:
Post a Comment