Pero hindi pasyal ang ipinunta namin dito, may bata kaming kailangang makausap.
sya si Imee, kamamatay pa lang ng nanay nilang magkakapatid at sya ngayon ang tumatayong tagapag-alaga ng bahay nilang dampa.
walang trabaho ang tatay ni Imee, Lima silang magkakapatid pero ipinaampon ang bunso nila dahil hindi na nila kayang alagaan pa, hanggang ngayon hindi na nila nakita yung bunsong kapatid na sinabing inampon ng bumbay.
paano sila nakakain? nanghuhuli ng talangka sa pinakamahabang ilog ng Pilipinas...
at kapag walang nahuli si Imee ito ang nangyayari...
Asin at mainit na tubig ang ulam ni bunso...
nag-aaral si Imee.. pero...
ito ang itsura nya kapag pumapasok sa eskwelahan... walang uniporme.. walang gamit sa paaralan, walang sapatos... wala ring kahit anong baon..
pagkatapos ng oras para mag-aral, sa ilog agad ang diretso ni Imee... dapat kasi pag-uwi nya ay may maibigay na syang ulam para sa apat nyang kapatid...
hindi nag-agahan, hindi kumain sa eskwelahan, pagdating ng uwian trabaho kaagad ang nasa isipan...
Sa pagkakataon na yun malapit ng bumuhos ang ulan, kailangan na nyang umuwi ng bahay pero dalawang super liit na isda lang ang nahuli ni Imee...
ang problema... paano kakasya sa apat nyang kapatid ang maliliit na isda? malamang asin na naman ang ulam.
kasama ang mga KAAGAPAY... panibagong araw at pag-asa ang aming ihahatid sa kanila...
dahil mula ngayon, hindi ka na mag-uulam ng asin...
hindi mo na rin uubusina ng buong araw mo sa panghuhuli ng isda...
ngiti lang Imee... dahil mula sa araw na ito... hindi ka na mag-lalakad ng walang uniporme... may gamit ka na din sa paaralan...
bakit ka umiiyak? wala namang nang-aaway sayo ha?! hehehe
(ms. annie kasi kinuha yung isdang pang-ulam nila.. joke lang)
pero habang naka-kwentuhan ko ng matagal si Imee, hindi lang malungkot na Storya ang naikwento nya...
hindi lang pala pangarap ng isang bata ang nabubuo sa tuwing manghuhuli sya ng isda...
mag pag-ibig din ...
pangarap ni popoy makapunta sa maynila para yumaman, sabi sa kanya nito, babalik sya paglaki nila at susunduin sya para sa maynila na sila tumira. (akala nyo naman ang ganda sa maynila... hirap kaya ng buhay dun, buti nga dito ang isda hinuhuli lang, dun binibili pa.)
hindi ko lang alam kung matutupad ni popoy sa batang si Imee yung mga pangako na yun, pero ang balita ko matalinong bata si popoy... sana nga isang araw yumaman sya.
makabili ng jeep gaya ng pangarap nya...
ito ang ilog... may kwento ng kamusmusan...
isang pangako ang iniwan dito ng mga batang minsan ay nagbigayan ng mga salitang tutuparin isang araw... panibagong kwento... storya ng pag-ibig at pangako..
(wala akong kinalaman sa sweet moments na yan ha... sila ang kusang pumunta dyan!)
uwian na po..
teria kasih
ReplyDelete