Saturday, July 10, 2010

KNC ng Talanay Documentary Video

http://www.metacafe.com/w/4887311

all those memories are inside the box… lahat ng mga bagay na pwedeng magpaalala sa akin tungkol sa kanila ay iningatan ko, kung gaano sila kahalaga sa aking ganun ko rin pinahahalagahan ang mga bagay na iniwan nila.. habambuhay kong iingatan.

minsan ko pang binubuksan ang kahong naglalaman ng maraming kahapon, mga bagay na nagdudulot ng maraming saya at nagbabalik ng marami naming mga ala-ala, di ko sila makakalimutan, di ko akalaing magiging ganito ako kaseryoso sa mga oras na nagbabalik sa isip ko ang mga bagay na ‘to. nasaan na kaya sila at anong ginagawa nila?

isa-isa, dahan dahan, masikap kong binalikan ang aming mga pinagsamahan, matagal na rin buhat ng huli ko silang makita, makasama at mayakap. marami silang iniwan sa akin bilang isang taong naghahanap ng maraming kasagutan sa maraming katanungan… mga batang nagbigay saya sa araw araw kong pamumuhay bilang nagmamanggagawa.

noong una di ko sila magawang makasundo, marami silang ugali na di maganda at hindi ko gusto, nagagawa ko silang sigawan, paluin paiyaskin sa madalas na pagkakataon… habang tumatagal nakita ko na lang ang sarili ko na masaya na gawin ang mga bagay na ganun, ang payuhan sila sa maraming mga bagay, ang makipaglaro sa kanila sa kanilang mga paglilibang, ang pagalitan sila sa kanilang mga maling ginagawa…. naging bata rin ako, alam ko ang kanilang mga pinagdadaanan, bakit ko sila pagagalitan?

sa panahong makararamdam sila ng DAMDAMIN AT PAGSINTANG WALANG KABULUHAN kailangan ko bang magalit? hindi naman di ba? sa panahon na lumalaki na sila may kailangan nila ng kaibigan, Di ako nagsasawang payuhan sila na “DI NAMAN MASAMANG MARAMDAMAN YAN, NORMAL YAN.. TAO KA EH, PERO MAY DAPAT TAYONG UNAHIN KAYSA PAG-IBIG SA KASAMA NATIN, ALAM MO NA YUN!” pinakamalaking problema ko na siguro yan, ang mga nagdadalaga na pagbawalan silang pagkwentuhan ang mga lalakeng natitipuhan nila mga batang nagkakaroon ng FIRST LOVE SA KASAMA NILANG KNC… pero sa madalas lagi ko silang nahuhuli, sisigwan sila na HOY!!! ANU BANG KWENTUHAN YAN! MAGLINIS NA NGA LANG KAYO G KNC ROOM!

sa mga lalake, walang akong problema kundi ang kanilang katamarang kabisaduhin ang mga talata ng biblia, sa bagay naiintindihan ko rin sila, MAHIRAP KASING MAGKABISA NG KAHIT ANONG BAGAY… pero dala ng pagsusumikap at pagpipilit nagagawa naming kabisaduhin ang mga yun.. kahit papaano…

HAHAHAHAHA! marami na kaming sinalihang COMPETITION pero kahit kailan di kami nanalo ng individual category… first time kaming natalo sa isang individual competition di ko nakaya ang nangyari… parang kinukurot ang puso ko na makita silang malungkot dahil sa natalo… parang gusto nilang sabihing sayang lang ang lahat ng pinagpaguran natin kuya!  “ang sakit!” kaya next competition sinabi ko sa sarili kong … “KAILANGAN MAY MAIUWI KAMING TROPHY AND MEDALS, DI PWEDENG WALA!!!!!” KAYA NEXT COMPETITION… talo kami, pero may naiuwi kaming tatlong trophy at dalawang medals, nagtataka sila kung bakit hindi sila tinawag sa stage pero may medal sila, ang sabi ko… “WALA NA DAW KASING ORAS KAYA INIABOT NA LANG SA AKING PARA IBIGAY SA INYO CONGRATS HA MGA BATA !!” kaya mula noon lagi silang exited sa mga competition kasi lagi silang panalo…. oo panalo sila PARA SA AKIN SILA ANG PANALO, mga batang mahihina sa maraming mga bagay, pero alam kong lagi silang nagsisipag maabot lamang ang isang bagay, kahit di na nila kaya. HANGGANG NGAYON DI NILA ALAM NA ANG MGA TROPHY AT ANG MGA MEDALS AY BINILI KO LANG, AT HINDI NILA TALAGANG NAPANALUNAN! (wag sana nilang mabasa to’) di ko alam kung mali akong gawin yun… pero wala akong magawa kung hindi gumawa ng isang malaking HHHHHHHAAAAAAYYYYYYY!!!!!!

meron namang time na may umiyak si jonabelle, tinanong ko kung bakit? NAGSESELOS DAW KAY NANENG KASI SI NANENG LAGING KASAMA SI ALAB, buti na lang maganda ang pakiramdam ko, nagpantig ang pareho kong tenga! nagtatanong sa sarili ko na bakit ba ganito???? payo payo payo.. biblia, biblia, biblia…. natapos din ang lahat at alam kong naintindihan nya ko…

di natatapos ang isang linggo na hindi kami gagawa ng “bonding moments” lagi akong gumagawa ng paraan para magkaroon ng oras na kami ang magkakasama sa paglalaro, umaakyat kami ng bundok, naglalaro sa ilog… at ang hindi nila makakalimutan…. yung ginawa naming boodle fight at piknic sa tabi ng ilog… habang sarap na sarap sa pagkain, bilang may UMUTOT NG BONGGANG BONGGA!! itinuro ko si alab yung umutot.. pero ayaw nilang maniwala ako talaga ang itinuro nilang lahat!!!

as times goes by lalo ko silang nakilala, lalo ko silang minahal hanggang sa tuluyan nilang nakuha ang pinakamalaking bahagi ng isip ko… marami sa kanila ang malnourish, buti na lang may CLINIK SI KUYA DANIEL, lagi kong hinihingi sila ng vitamin c, para tumaba kahit papaano, pero walang epekto, payat  o.a. rin sila kahit pa laging tinutungga ng magkakapatid na sina miguel ang vitamins ganun pa rin.

masaya akong makita silang naglalaro, mga bata sila yun ang kaligayahan nila at dapat nilang magawa habang nasa ganun silang ma edad, madalas kaming pagalitan ng mga matatanda sa lokal, ang ingay daw namin, ang kulit daw ng mga bata kahit kasama ako… hehehe ganun talaga bata sila yun na nga lang ang libangan kulitan at tawanan pagbabawalan mo pa, unless wala s lugar.

lagi ko sa kanilang sinasabi yung talata sa mateo.. Mat 24:13  Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. alam kong ang pagdaan nila sa knc ay pasimula pa lang ng marami nilang mararanasang pagsubok, kailangang maihanda sila sa maraming tiising mararamdaman nila sa paglaki… sana nga lang, pangarap ko para sa kanila maging magkakasama pa rin sila bilang magkakapatid hanggang pagtanda nila sa Iglesia…

alam kong aalis din ako sa poder nila isang araw, lilipat din ako ng mga batang aalagaan katulad ng ginawa ko sa kanila, habang kasama ko pa sila, sinasamantala ko ang oras… napamahal na sila sa akin ng higit pa sa isang kapatid o kamag-anak, sa kanila ko nakita ang isang bagay na matagal ko ng hindi naramdaman buhat ng mahiwalay ako sa tunay kong mga magulang at kapatid…

lahat ng mga bagay matatapos, nagkaroon din ako ng ibang destino para mag-alaga ng ibang bata… umalis ako ng hindi nagpapaalam at walang sinasabing anoman… ayoko kasing makita reaksyon nila habang papaalis ako, sigurado di ko magugustuhan, basta ang natatandaan ko masaya kami kahapon, sama-sama kaming nagpasalamat sa Dios sa lahat lahat… kahapon masaya kami kahapon yun lang ang gusto kong matandaan… kinabukasan pagdating nila ng lokal wala na ko… sabi ng bago nilang tagapag-alaga umiyak daw sila, pero ganun talaga, bahala na… makakalimutan din nila ko, pero ako di ko yata sila makkalimutan. hanggang ngayon nasa akin pa rin ang mga sulat nila.. sulat ng pagpapasalamat, syempre una sa Dios sulat ng paghingi paumanhin dahil makulit daw sila… sulat ng wala lang… sulat ng ka-dramahan… maging ang mga larawan nagpapaalala sa akin tungkol sa kanila… lagi kong panalangin sa Maykapal na ingatan sila, na makita pa rin namin sila na gumagawa at makasama namin, kahit saan…

Wednesday, July 7, 2010

my shots...

Kawan ng Cordero ng talanay

Saturday, July 3, 2010

my shots

inspirational quotes

  • Lahat ng problema ay may solusyon. Kapag walang solusyon, wag mo ng problemahin.
  • Always remember na kung kaya ng iba, ipagawa mo sa kanila.
  • Hindi lahat ng gwapo may girlfriend, ang iba sa kanila ay may boyfriend.
  • You wouldn’t know how sweet life could be, unless you’ve tasted somebody.
  • Don’t make the same mistake twice. Madami pang ibang kasalan, try mo naman yung iba.
  • There’s always tomorrow, kaya magtira ka ng trabaho para bukas.
  • Noon hindi lahat ng mag-jowa magkaholding hands, ngayon hindi lahat ng magkaholding hands eh magjowa…
  • noon hindi porket babae eh maganda na, ngayon hindi lahat ng maganda eh babae.
  • kung sawa ka na sa buhay mo, bakit hindi mo subukan ang kabilang buhay
  • you cannot face the problem if the problem is your face.
  • “Aanhin mo ang gwapo kung mas malandi pa sayo!?”
  • “Walang matinong lalake sa malanding kumpare.”
  • “Wala nang hihigit pa sa malansang isda, kundi ang isang balahurang bakla.”
  • “Sa hinaba-haba ng prosisyon, bading din pala ang iyong ka relasyon.”
  • “Ang tumatakbo ng matulin, may gwapong hahabulin”
“Matalino man ang bading, na peperahan pa rin.”

malalalim na salitang tagalog na may kakatwang kahulugan

mayaman ang salitang tagalog… sa sobrang yaman ilang salita na ang isinilang hanggnag nagkaroon ng ebolusyon… minsan nakakatawa na rin ang mga tunog nito kasabay ng nakakatawang depenisyon… basahin nyo na lang…
(pasintabi sa mga kumakain at sa maseselng pakinig mga katotohanan lang at tunay na depenisyona ang inilagay ko dito.)

1. BAKTOL next level ng putok.. ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. ito’y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. madalas na naaamoy tuwing maraming taong nagsisiksikan.
Ex. sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!!

3. MULMUL buhok sa gitna ng isang nunal. mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na
bunutin pa ito.
ito. Ex. “How nice naman your MULMUL!

4. BURNIK taeng sumabit sa buhok sa pwet. madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang
pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito’y maalis. Ex. “Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!

5. ALPOMBRA kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. ito’y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot
ng mga lalaki. available in blue, red, green, etc.

6. BAKOKANG higanteng peklat. ito’y madalas na dulot ng mga sugat na malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito’y mayroong makintab na takip. nakaumbok ito o di naman kaya ay lubog.. kaya madaling mapansin

7. AGIHAP libag na dumikit sa panty o brief dahil sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang
AGIHAP kung ang panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.

8. DUKIT ito’y and amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit….try it to prove it
thats DUKIT

9. SPONGKLONG ito’y isang bagong wika ay nangangahulugan sa isang estupidong tao.
Ex. “Buti naman at bumaba na sa puwesto ang spongklong nating Presidente.”

10. LAPONGGA ito’s kahintulad sa laplapan o kaya ay lamasan Ex. “Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga
sineng puro lapongga lang ang palabas?”

11. WENEKLEK ito ang buhok sa ***** na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad.
Meron din ang babae nito. Ex. “Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila yung weneklek niya!”

12. BAKTUNG pinaikling salita ng BAKAT-UT*NG. Ex. “Uy Jefferson, tingnan mo si Ma’am, baktung na naman!”

13. BAKTI short for bakat panty

14. ASOGUE buhok sa kilikili

15. BARNAKOL maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

16. BULTOKACHI tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak

17. BUTUYTUY t~t~ ng bata (hehe sensya na kailanga talagang sabihin)

18. JABARR pawis ng katawan

19. KALAMANTUTAY mabahong pangalan

20. MCARTHUR taeng bumabalik after mong i-flush (itong last is joke lang)

may mga taong nakakainis kung magtanong...

may mga taong nakakainis kahit di naman nila intensyon, kadalasan silang nagpaparamdam kung kailan pa talaga mainit ang ulo mo at gusto mong pumatay ng tao sa sobrang asar.

1. may mga taong mahilig magtanong kung sya ba ang kausap mo kahit kayo na lang dalawa sa mundo.

ex.sa office

joren: kumain ka na ba?

shonga: ahh.. ako ba?

joren: hindi kausap ko sarili ko, DALAWA LANG TAYO DITO DI BA? tinatanung ko sarili kong katawan kung kumain na ko. o di naman kaya kausap ko yung kurtina, last year pa kasi sila nakasabiT baka nagugutom na, alam mo naman kurtina man may pakiramdam pa rin. KAIRITAH!

2. may mga tao namang magtatanong pa kahit kitaNG kita na kung anong nangyari sayo.

ex. sa kalsada nadapa ka at aktong aktong nakatihaya ka na dahil sa pagkakasubsob.

manong: uyy nadapa ka ba?

ako: hindi po.. trip trip lang, hindi po ako nadapa, sand bathing po ang tawag dito, kaya naman ako nagpakalaglag dito para masubukan ko kung totoo ba yung paniniwalang may mga star na iikot-ikot at mga ibong magpapakita SA ULO kapag nauntog ka… galing noh.

3. may mga tao namang ang kapal ng mukha magtanong kung “ok ka lang ba?” pagkatapos ka nilang masaktan ng bonggang bongga!

ex. sa pantry nabantuan ka ng mainit na tubig

apol:ayy sorry ok ka lang ba?

ako: oo naman ok lang ako kahit super duper init na ng tubig na naibuhos mo sa akin. halos malapnos ang balat ko pero ok lang, nakakaaliw nga, nalibang ako infairness, nakalimutan ko mga problema ko sa buhay after mo kong pasuin, pagkatapos mong malapmos ang balat ko nagtanong ka kung ok lang ako„ na-touch naman ako ng todo-todo. gusto mo try ko rin sayo, magpapainit ako ng tubig tapos ibubuhos ko rin sayo, tapos tatanungin ko kung ok ka para mai-share mo rin sa akin yung feeling mo, tapos ipauso natin sa mga bata, lapnus-lapnusan, pasu-pasuan. ang saya girl… kairitah ka talaga!

4. nakakainis din naman yung mga taong nagtatanong pa kung anong gagawin mo sa isang lugar na kinaroroonan mo, samantalang wala ka namang ibang pwedeng gawin dun na iba.

halimbawa sa gasoline station.

gasoline boy: good afternoon sir, magpapagas po sila?

ako: hindi !!! mamalengke ako dito o di naman kaya magpapaospital.. ang saya-saya di ba? bilis ikabit mo na sa akin yung dekstros ko, undleaded ha.

5. ang pinaka-nakakainis sa lahat ay yung taong magtatanong pa kung anong gagawin mo sa isang bagay kahit pa alam naman nila kung anong gamit nun.

ex. kinuha ko yung blender

kapatid ko: kuya anong gagawin mo sa blender, ipapang-blend mo ba?

ako: hindi engot! maglalaba ako dito, tutal naman umiikot din to, ilalagay ko mga damit mo dito tapos isasaksak ko ng bonggang bongga. after nun maliligo ako, ito na rin ang gagamitin kong panghilod… ok? mag tatanong ka pa ba?

kapatid ko: pwede ba yun?

ako: EH BAKIT KA PA NAGTATANONG!!!