Saturday, June 19, 2010

the lost love letter


- bago matapos ang pasukan sa highschool noong taong 2006 gumawa ako ng sulat para sa pinakamatalik kong kaibigan, kapitbahay at kaklase... sad to say lakas ng loob ang ginamit ko para maisulat yun. pero nawala, nakita ko lang nung isang araw... alam nyo kung saan ko nakita? sa cabinet ng nanay ko.. NAKAKAHIYA!
_______________________________________________-


Para sa taong matagal ko nang kaibigan,

Mula ngayon gusto kong malaman mong ayoko na… simula ngayon di mo na ko tatawaging best bud, hindi mo na rin ako ituturing na best friend kahit kailan. I resign as your friend from now on, humanap ka ng na ibang kaibigan.

Ilang beses ka na bang tumakbo sa bahay para sa sabihing kailangan mo ng kausap, para kang tangang magkukwento habang umiiyak, anong gagawin ko? Papanoorin ka lang, papayuhan ka kahit masakit sa pakiramdam. Para akong sira ulong pipilitin kang bumangon at maghanap ng taong pwedeng magmahal sayo.

Masakit pero kinaya ko noon para lang maging masaya ka.. pero hindi pa rin, kahit anong gawin mo, ibigay mo man at gawin lahat ng alam mo, snasaktan ka pa rin nila… paulit ulit na lang… nagsasawa na kong Makita kang malungkot.

Masaya akong naging magkaibigan tayo. Pero hanggang dito na lang yung pagkakaibigang sinasabi mong habambuhay.

Minsan iniisip ko din kung manhid ka ba talaga o wala ka lang alam sa mga nangyayari sa paligid mo, wala ka bang pakialam o tanga ka? Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kahalaga sa ‘kin, wala bang kwenta sayo na Makita mo kong naghihitay kahit pa alam kong di ka darating! na kapag may kailangan ka nandyan ako at ayos lang kahit kinakaimutan mo ko kapag mayroon ng nagmamahal sayo. Gosh! Tanga ka nga talaga… pero mas tanga ako.. at tanggap ko yun, pero ayoko na.

Pero ilang beses ko na sinabi sa sarili ko yang salita na yan eh.. ayoko na, ayoko na.. ayoko ko! Pero ganun pa rin. Kapag dumating ka di ko mapigilan ang sarili kong lumapit para maging sandalan mo, babawiin ko ang lahat para maging kaibigan mo ulit, makikinig uli ako sa mga kwento mong paulit ulit, pare pareho, nag-iiba lang ng character pero ikaw pa rin ang lagging talo sa kwento. Nakikinig ako borj.. umiiyak ka pero mas gusto kong umiyak kung alam mo lang, dahil mas malungkot, mas masakit.

Bumubuhos ang ulan… Masaya akong nandito ka sa tabi ko habang di natin pansin ang pagbagsak nito. hanggang dito na alng talaga siguro, tanggap ko na na hindi mo nga ako kayang mahalin, kabigan lang at kakwentuhan tuwing may nagpapasama ng iyong kalooban. matagal ko ng pinag-isipan, ngayon sasabihin ko na..." MAHAL NA MAHAL KITA HINDI MO BA ALAM YUN, wag ka ng magkwento... sasabihin mo na namang napakasakit at iniwan ka, magtatanong ka na naman kung bakit ganun samantalang ibinigay mo ang ang lahat tama na!" sawa na kong maging tissue paper mo kapag umiiyak ka, hindi ako confession notebook para tambakan mo ng maraming sama ng loob...

sabihin mo na na makasarili ako.. pero sa loob ng pitong taon lagi ko na lang sinasaktana ng sarili ko para sayo, its time to move kailangan ko ring isipin ang sarili kong nararamdaman. masarming salamat sa pagiging magkaibigan... salamat ng maraming marami.


are-jhay

No comments:

Post a Comment