Thursday, June 24, 2010

MUNTING PANGARAP KO

bata pa lang ako marami na kong gustong hilingin sa magulang ko na sabihin nila sa akin kahit minsan… ito yung mga yun.

1. anak bangon na. anong oras na may pasok ka pa, pero kung tinatamad ka ok lang yun, matulog ka na lang, tutal naman may next month pa… umulit ka na lang ng semister.

2. yung jowa mo nasa labas hinahanap ka, papasukin mo na lang dyan sa kwarto mo para masaya.

3. bakit gabi ka na naman umuwi? gumimik na naman kayo ng barkada mo noh! di ba ang sabi ko sayo!!! magsasabi ka para makakasama kami ng daddy mo! bad trip ka din ehhh!!!

4. ako: nay pwede bang dito na muna kami ng mga kaibigan ko sa bahay tumambay?
nanay: hindi pwede!!! ito ang tatlong libo, dun sa star bucks kayo tumambay wag dito, ayoko ng magulo! nangaasar ka na naman!

5. anak matulog ka na… samahan mo ko bukas at bibili tayo ng bago mong cellphone.

6. ito allowance mo, isinama ko na dyan yung pang-gimik mo.

7. ingat sa pagpasok ha, pagkatapos ng klase diretso na agad ng mall kunin mo yung credit card ng daddy mo at bahala ka ng magwaldas tutal naman malaki ka na.

8. ilang beses ko bang sasabihin sayo, maawa ka naman sa amin ng daddy mo, lahat ginagawa namin para lang may maitustos sa mga kailangan nyo.. hirap na hirap na kami, bakit itong 500 load mo eh hindi mo pa ubos… mag iisang linggo na to.. para san pa bang paghahanap buhay namin kung ganito ka lang ng ganitong bata ka?!!!

9. ikaw ang hina mo rin.. isa lang pala girlfriend mo? bakit di ka pa manligaw ng iba para naman may reserba ka?

10. anak bakit hindi ka pa mag-girlfriend? ok lang kahit makabuntis ka, kami na ang bahala sa mapapangasawa mo at sa magiging anak mo… go! go! go!

sana mabasa nila.. pero kung mabasa man nila to, malamang di nila gawin kahit manigas ako. hehehe hanggang blog na lang.

ito ang … MUNTING PANGARAP

Saturday, June 19, 2010

the lost love letter


- bago matapos ang pasukan sa highschool noong taong 2006 gumawa ako ng sulat para sa pinakamatalik kong kaibigan, kapitbahay at kaklase... sad to say lakas ng loob ang ginamit ko para maisulat yun. pero nawala, nakita ko lang nung isang araw... alam nyo kung saan ko nakita? sa cabinet ng nanay ko.. NAKAKAHIYA!
_______________________________________________-


Para sa taong matagal ko nang kaibigan,

Mula ngayon gusto kong malaman mong ayoko na… simula ngayon di mo na ko tatawaging best bud, hindi mo na rin ako ituturing na best friend kahit kailan. I resign as your friend from now on, humanap ka ng na ibang kaibigan.

Ilang beses ka na bang tumakbo sa bahay para sa sabihing kailangan mo ng kausap, para kang tangang magkukwento habang umiiyak, anong gagawin ko? Papanoorin ka lang, papayuhan ka kahit masakit sa pakiramdam. Para akong sira ulong pipilitin kang bumangon at maghanap ng taong pwedeng magmahal sayo.

Masakit pero kinaya ko noon para lang maging masaya ka.. pero hindi pa rin, kahit anong gawin mo, ibigay mo man at gawin lahat ng alam mo, snasaktan ka pa rin nila… paulit ulit na lang… nagsasawa na kong Makita kang malungkot.

Masaya akong naging magkaibigan tayo. Pero hanggang dito na lang yung pagkakaibigang sinasabi mong habambuhay.

Minsan iniisip ko din kung manhid ka ba talaga o wala ka lang alam sa mga nangyayari sa paligid mo, wala ka bang pakialam o tanga ka? Hindi mo ba nakikita kung gaano ka kahalaga sa ‘kin, wala bang kwenta sayo na Makita mo kong naghihitay kahit pa alam kong di ka darating! na kapag may kailangan ka nandyan ako at ayos lang kahit kinakaimutan mo ko kapag mayroon ng nagmamahal sayo. Gosh! Tanga ka nga talaga… pero mas tanga ako.. at tanggap ko yun, pero ayoko na.

Pero ilang beses ko na sinabi sa sarili ko yang salita na yan eh.. ayoko na, ayoko na.. ayoko ko! Pero ganun pa rin. Kapag dumating ka di ko mapigilan ang sarili kong lumapit para maging sandalan mo, babawiin ko ang lahat para maging kaibigan mo ulit, makikinig uli ako sa mga kwento mong paulit ulit, pare pareho, nag-iiba lang ng character pero ikaw pa rin ang lagging talo sa kwento. Nakikinig ako borj.. umiiyak ka pero mas gusto kong umiyak kung alam mo lang, dahil mas malungkot, mas masakit.

Bumubuhos ang ulan… Masaya akong nandito ka sa tabi ko habang di natin pansin ang pagbagsak nito. hanggang dito na alng talaga siguro, tanggap ko na na hindi mo nga ako kayang mahalin, kabigan lang at kakwentuhan tuwing may nagpapasama ng iyong kalooban. matagal ko ng pinag-isipan, ngayon sasabihin ko na..." MAHAL NA MAHAL KITA HINDI MO BA ALAM YUN, wag ka ng magkwento... sasabihin mo na namang napakasakit at iniwan ka, magtatanong ka na naman kung bakit ganun samantalang ibinigay mo ang ang lahat tama na!" sawa na kong maging tissue paper mo kapag umiiyak ka, hindi ako confession notebook para tambakan mo ng maraming sama ng loob...

sabihin mo na na makasarili ako.. pero sa loob ng pitong taon lagi ko na lang sinasaktana ng sarili ko para sayo, its time to move kailangan ko ring isipin ang sarili kong nararamdaman. masarming salamat sa pagiging magkaibigan... salamat ng maraming marami.


are-jhay

resume

image

Name: Joren Martin Cruz
Address: # 27 P. Tuazon Street Project 4, QC
Cellphone Number: + 639324695865
Email Address: cruzjorenrj@yahoo.com.ph

_____________________________________________________________________

Objective: To be able to practice my ability to make friends everywhere around the globe. higit sa lahat.. PARA MAG-PAPANSIN NG TODO.


Experience:

Love Life

  • naka-12 girl friend na, apat ang siniryoso pero walang sumiryoso…
  • grade 1 pa lang tatlo na ang naging crush kasama na dun ang teacher ko.
  • sa sampung break-ups tatlong beses pa lang akong umiyak, yun ay dahil di ko alam.
  • nasubukan ko ng manligaw ng katulong ng kapitbahay… (trip trip langnung high school)
  • tatlong best friend ko na ang naging syota ko nung high school, pero magkakaibigan pa rin kami hanggang ngayon.
  • naligawan na ko ng mga bakla ilang beses na pero wala akong sinagot… haha kadiri kasi…
  • sa ngayon 8 yrs na kong walang partner at ayaw ko nang magkaroon pa… hahah
  • ito ang malupet… may sikreto ako pero hindi mo alam…

Most Embarassing Moments

  • tumae ako sa short nung grade 1 (ok lang grade 1 pa naman yun, mahiya ka kung graduating ka ng ng college eh nadumihan mo pa yung pantalon mo)
  • 2nd year highschool practice ng recogniton day nang inutusan ako ng teacher namin na bumili ng cotton buds sa halagang sampung piso, bumili ako sa labas ng school na halos tumagal nang sampung minuto bago ako
    makabalik sa loob ng campus. pagbalik ko sa pila ng section namin,
    tinawag ako ng teacher ko gamit ang mic na nagsasabing, “joren, ang
    sabi kong bilhin mo coupon bond hindi cotton bud ibalik mo to sa
    tinadahan” … nagtawanan ang buong campus kasama ang mga teachers, pati
    ang mga parents… pati yung guard at janitor tawa ng tawa.. haisszzz
    panalangin ko that time lumindol ng sobrang lakas at matabunan ng
    building yung matabang adviser namin na wala sa ayos…

Sadest Part (ayoko ng pag-usapan pero ok lang)

  • lumaki ako sa San Juan Metro Manila, naging kaibigan ko lang nag-iisa si jongjong, dahil gusto na ni papa na humiwalay ng bahay sa mga magulang nya kailangan naming lumipat ng proj, 4.qc yun di ko alam
    na lilipat na pala kami,ang alam ko lang mamasyal kami, hindi man lang
    ako nagtaka kung bakit dala-dala namin lahat ng mga gamit, yun nasa
    bagong bahay na kami saka ko nalamang hindi na pala kami titira kila
    lola, ang una kong naisip si jongjong, miss na miss ko na sya. 1st year
    highschool sinubukan kong pumunta sa San Juan mag-isa yun ay para
    dalawin yung kaibigang anim na taon ko ng hindi nakikita, pero pagpunta
    ko dun… hayyyzzz, patay na pala dahil sa sakit na malaria, di man lang
    sinabi sa akin ng mga pinsan ko… dawalang taon buhat ng umalis kami
    nagkasakit pala sya… kwitch lang, lumipat kami ng bahay di ako
    nakapag-paalam, sya lumipat rin ng hindi nagpapaalam… i miss him.

Greatest Ambitions

  • magkaroon ng sariling building
  • magkaroon ng isang simpleng pamilya at mga anak. (greaterst ambition talaga to kahit kailan)
  • makakita ng isang taong tunay na magmamahal (lalo na to ambisyon nga!)
  • pumayat at magkaroon ng abs…
  • tumangkad
  • umunat ang buhok.. hehehe

Si joren ako…

  • mahilig akong tumawa, kahit may problema nakukuha pa ring tumawa parang tanga.
  • malakas akong kumain, laging may extra rice ang order kong pagkain kahit tinapay ang order may extra rice pa rin
  • mahilig magpatawa ng bonggang bongga!
  • masipag mag text sa mga kabarkada, tamad lang mag text sa boss.
  • kain ng kain ng matatamis kapag deepress.
  • ayaw ko sa mga taong sobra sa lakas kung manigarilyo at umiinom ng alak
  • hindi pwedeng matapos ang araw ko nang hindi napapanuod si spongebod (at nang hindi nakikita si crush.. hahaha joke ulit)
  • mas pinagkakagastusan ko ang rubber shoes kaysa damit.
  • mas addict sa blogging kaysa facebook
  • mahilig kumanta kahit pa wala sa tono at mali mali ang lyrics
  • gustong gusto ko si regine velasquez
  • gustong gusto ko si Christian Bautista sobra
  • sa lahat ng Pilipino ako na yata ang kahuli-hulihang hahanga kay pakyaw
  • ayokong maging presidente ng Pilipinas kahit pa patayin nyo ko di ako uupo sa pagkapangulo…
  • para sa akin mas masarap kumain ng naka-kamay kaysa kutchara.
  • tumatawid ako sa tawirang nakamamatay kahit pa bawal, takbooo!
  • bumibili ako ng mga pirated dvd kahit pa alam kong ilegal. 50 lang kasi dami na ng mga movies.
  • nagdo-download ako ng mp3 sa computer kahit pa alam kong ilegal.
  • magaling akong magpaiyak ng mga bata kahit para sa mga magulang yun ay ilegal.
  • mahilig sa bata lalo na kapag madaldal at may magandang ate.
  • once i loved a person, im loyal to that person.
  • malalaman mo lang crush ko ang isang tao kapag di ko na sya pinapansin.
  • kapag crush ko yung isang tao hinding hindi ko sya kinakausap ng personal, basta ayaw ko syang kausap ewan ko kung bakit pero hindi talaga makahinga kapag kausap ko yung taong gusto ko. hehe (kakausapin ko na yun!)
  • singing is my hobbies while reading, writing and listening is my passion.
  • ayoko sa mga jejemons, kapag binasa mo yung text nila ng malakas, mapapagkamalan kang may sapak sa utak.
  • i loved cooking, kapag mahal ko yung isang tao gusto kong ipinapagluto sila.
  • naniniwala akong beauty is in the eye of the beholder… so when you’re looking at me, you must be the beholder, therefore conclude, i am beautiful (kay ate ruth navales ko yan narinig… tindi di ba! taas ng
    frequency ang lupettt)
  • hinding hindi ko naging expression ang pagmumura, at believe it or not, 8 years na kong di nagmumura.
  • i am always late, sa mga meetings always 10 minutes late.
  • gustong gusto ko ng ulan.
  • lagi akong naniniwala sa isang happy ending story in real life. pero sa mga movie ayoko ng happy endings.
  • searching for the real one... (hehe may banat pang ganun)